Noong December 1 ang unang araw ng taping ng upcoming GMA Telebabad cultural drama series na 'Legal Wives.'
Alinsunod sa minumum health and safety standards, lock-in o walang uwian ang taping ng serye sa isang pribadong lokasyon.
Ang 'Legal Wives' ay kuwento ng kakaibang pamilya kung saan ang isang lalaking Maranaw ay may tatlong asawa na pinakasalan niya dahil sa magkakaibang rason.
Una nang sumabak sa taping si Kapuso Drama King Dennis Trillo at isa sa kanyang leading ladies na si Andrea Torres.
Si Dennis ay si Ishmael, isang Muslim na susubukang tuparin ang responsibilidad sa pamilya habang pinakikinggan pa rin ang tibok ng kanyang puso.
Si Andrea naman ay si Diane, isang Kristiyano na kasintahan ni Ishmael at kalaunan ay magiging pangalawang asawa nito.
Bukod kina Dennis at Andrea, bahagi din ng serye ang iba pang de kalidad na mga aktor tulad nina Alice Dixson, Bianca Umali, Cherie Gil, at Al Tantay.
Silipin ang unang araw ng lock-in taping ng 'Legal Wives' sa gallery na ito.
Nagsimula na ng taping ang 'Legal Wives' lead stars na sina Dennis Trillo at Andrea Torres.
Habang hindi pa kinukunan ang eksena, nakasuot ng protective equipment tulad ng face masks and face shields ang mga nasa set.
Pati staff at crew, lagi ring naka face mask at face shield alinsunod sa health and safety protocols para maiwasan ang COVID-19.
Narito ang ilang close-up shots ni Andrea bilang Diane.
Mahigpit na mino-monitor ng direktor na si Zig Dulay ang mga eksena.
Kasama nina Dennis at Andrea sa unang araw ng taping ang beteranong aktor na si Juan Rodrigo.
Abangan ang cultural drama series na 'Legal Wives,' malapit na sa GMA Telebabad.