Mga istoryang pumatok at pinag-usapan sa 'KMJS' ngayong 2020

Sa nalalapit na pagtatapos ng taon, ating balikan ang mga istoryang pumatok at talaga namang pinag-usapan nang husto na naitampok sa multi-awarded program na 'Kapuso Mo, Jessica Soho'
Sa kabila ng mga limitasyong idinulot ng coronavirus pandemic sa pangangalap ng mga materyal para maghatid ng mga impormasyon at makabuluhang istorya, mahusay pa ring naihatid ng KMJS ang kuwento ng mga kababayan nating umantig at nagbigay ng tuwa at pag-asa sa marami.
Balikan ang mga nakamamangha, nakapangingilabot, nakatutuwa, at nakatatakot na mga istoryang nag-viral sa KMJS ngayong 2020.









