advertisement
Showbiz News

LOOK Kilalanin si Alexandra Abdon, Miss Manila 2020

1 of 13

Headshot

Unang naging matunog ang pangalan ni Alexandra Abdon nang i-represent niya ang Lungsod ng Maynila sa Miss Universe 2020 pageant.

2 of 13

Viral

Gumawa ng ingay ang pangalan ni Alexandra nang maging viral ang kanyang video na kuha mula sa preliminary 'Question and Answer' ng Miss Universe pageant.

3 of 13

Relatable

Kinagiliwan ng mga netizens si Alexandra dahil sa kanyang pagigin "authentic, relatable, at nakakatawang character."

advertisement
4 of 13

Miss Earth

Pero hindi ang Miss Universe and unang pageant na sinalihan ni Alexandra. Ang kauna-unahan niyang pageant ay Miss Earth noong 2016.

5 of 13

Mutya ng Pilipinas

Sumali din si Alexandra sa Mutya ng Pilipinas noong 2018.

6 of 13

Miss Universe

Sa isang interview, sinabi ni Alexandra na ang Miss Universe ang panlima at huling pageant na kanyang sasalihan at masaya siyang natapos ang kanyang pageant journey sa nasabing contest.

advertisement
7 of 13

Education

Kumuha si Alexandra ng kursong Hotel and Restaurant Management sa National University Manila noong 2016 hanggang 2019 bago siya nag-shift ng Tourism Management sa Arellano University.

8 of 13

Dream

Pangarap ni Alexandra na maging flight attendant pero dala ng mga personal na dahilan ay kinailangan niyang tumigil ng pag-aaral.

9 of 13

Work

Sa ngayon, nagtatrabaho si Alexandra sa isang business process outsourcing (BPO) company. May pagkakataon din na hinahawakan niya bilang marketing head at creative director ang isang franchising company.

advertisement
10 of 13

Love life

In a relationship din si Alexandra sa kanyang boyfriend of eight years, ang hiphop artist na si Blain.

11 of 13

Wowowin

Muling lumikha ng ingay ang pangalan ni Alexandra nang no-show ito sa guesting niya para sa programang 'Wowowin' ni Willie Revillame.

12 of 13

Willie Revillame

Labis na na-disappoint ang host na si Willie Revillame kay Miss Manila Alexandra Abdon ng dahil sa insidente.

advertisement
13 of 13

Miss Manila on Wowowin

Pero naayos din ang gusot matapos humingi ng paumanhin ni Alexandra kay Willie Revillame at sa programa. Natuloy din ang guesting ng dalaga.

Wowowin: 'Sexy Hipon' Herlene at Miss Manila, nagharap na!