GMA Logo Esnyr, Will Ashley, Vice Ganda, Pamilya De Guzman
Courtesy: esnyrrr (IG)
What's Hot

Esnyr's new series goes viral; features multiple celebrity guests

By EJ Chua
Published June 16, 2026 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cop in viral gun-pointing video in Dapitan relieved
Regional TV News (June 24, 2026) | Balitanghali
Ateneo appeals for 'compassion' and 'truthfulness' amid rumors involving Men's Basketball Team

Article Inside Page


Showbiz News

Esnyr, Will Ashley, Vice Ganda, Pamilya De Guzman


Patok online ang comeback series ng PBB collab Third Big Placer na si Esnyr!

Trending ngayon sa social media ang comeback series ng content creator na si Esnyr.

Kasabay ng back-to-school season ng Pinoy students, ini-release ni Esnyr ang kanyang bagong online high school series nitong June 14 na pinamagatang 'First Day High.'

Una niyang inanunsyo ang tungkol sa long-awaited debut ng bago niyang project sa isang Instagram post.

Sulat niya, “Finally, may new episode na! Eto na ang pinaka pasabog na comeback para sa inyo.”

Ayon pa kay Esnyr, binuo niya at ng kanyang production team ang bagong series sa loob ng tatlong buwan at ini-reveal din niya na puno ng time at effort at malaking budget ang inilaan niya para magawa ito.

Bukod sa kanyang iba't ibang karakter, tampok din sa series ang bigating celebrities na mapapanood dito bilang guest stars.

Kabilang sa cast ng 'First Day High' ay ang mga nakasama noon ni Esnyr sa Bahay Ni Kuya na kabilang sa Pamilya De Guzman na sina Will Ashley, Mika Salamanca, Shuvee Etrata, at Klarisse De Guzman.

Related gallery: Pamilya De Guzman: the internet's new favorite family from 'PBB Celebrity Collab Edition'

Tampok din dito sina Vice Ganda, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Empoy Marquez, at iba pa.

A post shared by Esnyr (@esnyrrr)

Sa isang Instagram Story, ibinahagi ni Esnyr na sa loob lang ng 24 hours ay humakot ng 5 million views sa YouTube ang bagong series.

Si Esnyr ay itinanghal na Kapamilya Third Big Placer sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.