Showbiz News

Narito na si Gru at ang kanyang mga minions!

By MARAH RUIZ



What is yellow, oblong and incredibly cute?

Minions, siyempre!

Sila ang mga ever-loyal na kakampi ng lovable super villain na si Gru sa plano niyang minsan ay sablay.

Sa unang pagkakataon, ipapalabas sa Philippine free TV ang isa sa mga pinakamamahal na 3D-animated films, ang Despicable Me!

May malaking binabalak si Gru—plano niyang nakawin ang buwan! Kaya lang wala siyang budget. Kaya kinakailangan niyang mangutang sa Bank of Evil. Kaso lang, gusto ni Mr. Perkins, ang bank president, na ipakita sa kanya ang shrink ray na gagamitin ni Gru sa kanyang plano bago nito payagan ang loan.

Madaling makukuha ni Gru ang shrink ray. Kaya lang, maaagaw ito ni Vector, ang karibal niyang super villain. Sa pagpaplano niyang makapasok sa base ni Vector, mapapansin niya ang tatlong ulilang sina Margo, Edith at Agnes. Madaling makakapasok ang tatlo sa base dahil nagbebenta sila ng cookies.

Maiisipan ni Gru na ampunin ang tatlong bata para gamitin sila sa kaniyang mga plano. Dahil dito, malalaman niyang hindi pala biro ang maging isang ama. Ngayon, kailangan niyang itanong sa kanyang sarili: mas mahalaga ba sa kanya ang maging super villain o ang maging super dad?

Samahan sina Gru, ang adorable niyang mga anak-anakan, pati na din ang cute na cute niyang mga minions sa Philippine free TV premiere ng Despicable Me, ngayong Sunday, February 22, 11:45am sa Kapuso Movie Festival.