Showbiz News

It’s a date with Kylie Padilla and Benjamin Alves in GMANetwork.com Live Chat on February 25

By AL KENDRICK NOGUERA



After almost a year, magsasama ulit ang former Adarna co-stars na sina Kylie Padilla at Benjamin Alves via GMANetwork.com live chat on February 25, from 3:00 p.m. to 5:00 p.m. (Philippine time)

Sa teleseryeng Unforgettable unang nagkatrabaho nina Kylie at Benjamin noong 2011. Pagkalipas ng dalawang taon, sinundan naman ito ng Adarna kung saan naging isa si Benjamin sa tatlong leading men ng aktres.

Pagkatapos ng Adarna, tila nagkahiwalay ng landas ang dalawa dahil nagkaroon sila ng kani-kanilang projects.

Habang ginagampanan ni Kylie ang role ni Leonor Rivera sa Ilustrado last year ay Dading naman ang pinagkaabalahan ni Benjamin sa pagganap niya sa character ni Joemer sa Afternoon Prime soap.

Dahil malapit nang magtapos ang current soap ni Kylie na More Than Words at naghihintay pa ng kanyang next teleserye si Benjamin, posible kayang magsama ulit sila sa isang project?

Habang hinihintay ninyo ang pagbabalik ng tambalang Kylie at Benjamin, samahan ninyo muna sila sa GMANetwork.com Live Chat ngayong darating na February 25, from 3:00 p.m. to 5:00 p.m. (Philippine time) Just log on to www.gmanetwork.com/livechat to be part of this exclusive event.