Showbiz News

Marian Rivera, sumabak sa first pictorial as Mrs. Dantes

By AL KENDRICK NOGUERA


 
Si GMA Primetime Queen Marian Rivera ang napiling endorser ng Hair Asia para sa kanilang 25th anniversary celebration ngayong taon.
 
Ito ang kauna-unahang pictorial ni Marian matapos siyang ikasal kay Dingdong Dantes noong December 30 last year.
 
Parisian ang theme ng pictorial at mismong ang President ng salon na si Evelyn Alvaran-Cruz ang tumayong stylist ni Marian. Naging katulong niya sa pag-aayos sa Primetime Queen si Bambbi Fuentes.
 
Kuwento ni Marian sa 24 Oras, natutuwa raw siya dahil malayo sa previous pictorial themes and photo shoot na ginawa niya ngayon.
 
“Dream come true rin sa 'kin 'to kasi 'yung pegs nila ay hindi typical kong ginagawa,” pahayag ni Marian.
 
Pinaghalong emosyon daw ang naramdaman ni Marian habang ginagawa ang pictorial. Aniya, “Na-e-excite ako na medyo kinakabahan for the first time dahil kakaibang tema ang gagawin ko.”
 
Ngayong darating na March three ang official launch ng cover ni Marian kasabay ng 25th anniversary celebration ng Hair Asia na gaganapin sa The World Trade Center.