Showbiz News

Jillian Ward, ready na maging tween star

By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Jillian Ward is a child star no more.

PHOTOS: Jillian Ward, Tween Fashionista
 
The young actress turns 10 today, February 23, and she reveals that she is ready to accept tween roles. She doesn't have to wait long for that, dahil kasama siya sa upcoming primetime series na Pari Koy na pagbibidahan ni Dingdong Dantes.
 
"Masaya po [dahil] very different po siya sa mga dati, like Trudis Liit. Andami po talagang nagbago," kuwento ni Jillian sa GMANetwork.com.
 
May nakita na rin daw siyang kapalit niya sa pagiging child star kaya tanggap na niya ang pagiging isang tween.
 
"Opo, ready na po. At sa tingin ko po may kapalit na ako, kung gusto niya lang po. 'Yung sister ko (laughs)."
 
Ano naman ang kanyang birthday wish?
 
"Hindi po kasi material eh. Sana po long life para sa family namin, sana lagi po kaming magkakasama. Wala pong mawawala and more blessings to come [para] ma-share ko po. Sana ilayo kami sa sakit ng Diyos at sa mga bad spirits po."
 
Abangan si Jillian Ward sa Pari Koy, soon on GMA Telebabad.