Showbiz News

Anjanette Abayari at Samantha “Gracia” Lopez, balikbayan at balik-showbiz?

By CHERRY SUN

Tunay na hindi madaling malimot ang angking kagandahan at galing nina Anjanette Abayari at Samantha “Gracia” Lopez. Sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas ay magbabalik-showbiz na rin kaya sila?

Labinlimang taon na ang lumipas simula nang lisanin ng dating Darna actress ang Pilipinas. Mula Amerika ay pumarito si Anjanette para sa isang international film at upang mag-asikaso ng ilang negosyo.

READ: Anjanette Abayari wants to meet fellow Darna actresses Marian Rivera and Angel Locsin 

Mayroon mang dalawang anak ay wala pa ring kakupas-kupas ang hubog at ganda ni Anjanette. Ayon da sa dating sexy actress, bukas siya na muling sumabak sa showbiz. Sa ngayon ay may offer din sa kanya na mag-pose para sa isang men’s magazine.

Kwento niya sa 24 Oras, “Fortunately, I’m lucky enough to be posing for Esquire first.”

Pagkaraan ng labing-apat na taon ay nagbabalik-Pilipinas din si Samantha Lopez na maskilala bilang si Gracia ng Eat Bulaga.

WATCH: Ryzza Mae meets Gracia of ‘Eat Bulaga.'

Naging isang matagumpay na real estate broker sa New York si Gracia. Naiba man ang kanyang propesyon ay tila wala ring nagbago sa kanyang ganda.

“I don’t diet. I mean it’s a like a [lifestyle]. I mean I don’t eat rice anymore, I don’t eat fried food, processed food. I don’t drink soda. I exercise of course. I do a lot of walking, it’s part of my job,” bahagi ng dating dancer-actress.

Pag-amin din niya, “I’m blessed na mahilig ako sumayaw. Although, sumasayaw-sayaw pa rin ako sa New York pag may chance, pag lumalabas. But you know, ‘yung professional na pagsayaw, pag-ge-guesting, nakaka-miss.”

Video courtesy of GMA News