IN PHOTOS: Meet the cast of the award-winning series 'The Romantic Doctor 2'

Magbabalik sa GMA ang acclaimed South Korean actor na si Han Suk-kyu bilang si Master Kim sa critically-acclaimed South Korean series na 'The Romantic Doctor 2,'. Mapapanood na ito simula February 8 sa GMA.
Makakasama niya rito ang award-winning actors na sina Ahn Hyo-seop na sa unang pagkakataon ay itatampok sa GMA Heart of Asia, at Lee Sung-kyung na first time naman bibida sa GMA primetime program.
Ang 'The Romantic Doctor 2' ang sequel ng seryeng The Romantic Doctor na unang umere sa GMA noong 2017.
Tampok sa serye ang panibagong journey ng nag-iisang surgeon sa South Korea na triple-board certified sa general surgery, cardiothoracic surgery, at neurosurgery na si Dr. Daniel Boo o mas kilala sa tawag na Master Kim (Han Suk-kyu).
Sa pagkakataong ito, ipagtatanggol niya ang pinagtatrabahuhan niyang Doldam Hospital laban sa ilang makapangyarihan na nais itong buwagin. Bukod dito, patuloy din niyang iaangat ang sarili laban sa mga ito na nais siyang pabagsakin.
Alam ni Master Kim na hindi niya kayang kalabanin mag-isa ang mga taong ito na nais siyang ungusan at makitang nagdudusa.
Kilalanin ang mga karakter na handang ipagtanggol at tumulong kay Master Kim na isalba ang Doldam Hospital, gayundin ang mga taong nang-uusig sa kanya.














