Showbiz News

Ina ni Chlaui Malayao, tiger mom?

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Kahit suntok sa buwan ang pangarap ng ina ng Yagit star na si Chlaui Malayao na maging artista ang anak, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa noon.
 
Ayon kay Chlaui, bumungad agad sa kanya ang pangarap ng ina noong nagkaisip na siya. Sobrang bata pa raw niya noon pero may mala-acting workshop na agad siyang ginagawa sa kanilang bahay.
 
“Three years old pa lang po ako [ay] pinapaiyak na ako ni Mommy, tinuturuan niya na po ako,” pahayag ni Chlaui.
 
Seven years old pa lang ngayon si Chlaui pero confident na siyang sabihin na madali na lang para sa kanya ang magpatulo ng luha tuwing taping ng Yagit.
 
Kuwento pa nga ni Chlaui, napabilib niya si Direk Gina Alajar noon sa audition ng Afternoon Prime soap kaya siya ang napili. “Noong audition po, 'yung acting ko [ay] umiiyak,” saad niya.