Showbiz News

Back-to-back bakbakan ngayong Sunday sa GMA!

By MARAH RUIZ


 
Dalawa sa pinakamalaking comic book franchises sa mundo ang magsasanib para sa isang eksplosibong Sunday morning sa GMA! 
 
Pinagsanib ng DC Comics ang ilan sa mga pinakakilalang mga superheroes nila sa Justice League: Crisis on Two Earths. Abangan ang makapigil hiningang salpukan nina Superman, Batman, at Wonder Woman laban kina Ultraman, Owlman at Superwoman - mga sarili nila mula sa isang parallel dimension kung saan pinili nilang maging mga supervillains. 
 
Susundan naman ito ng The Incredible Hulk mula sa Marvel. Kilalanin si Dr. Bruce Banner, na gagampanan ng award-winning actor na si Edward Norton, at alamin kung paano at bakit siya nagta-transform bilang ang higanteng si Hulk. Sundan siya sa pagtakas mula sa US Military na nais siyang hulihin, hanggang sa pakikipablaban niya sa isang halimaw para mailigtas ang New York city. 
 
Tutok lang sa GMA ngayong Linggo, March 1 para sa Justice League: Crisis on Two Earths sa Superhero Sunday ng 10:45 am. Susundan naman ito ng The Incredible Hulk sa Kapuso Movie Festival ng 11:45 am.