GMA Logo alex eala
Photos by mubadaladcopen (IG), alex.eala (IG)
What's Hot

Alex Eala, tinalo ang defending champ na si Leylah Fernandez, umabante sa DC Open quarterfinals

By EJ Chua
Published July 30, 2026 12:27 PM PHT
Updated July 30, 2026 4:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sienna Stevens, Ericca Laude prank Dingdong Dantes on 'The Master Cutter' set
Moonstar88 shares inspiration behind their highly anticipated comeback album
Anne Hathaway's pregnancy style: her best maternity outfits

Article Inside Page


Showbiz News

alex eala


Comeback alert! Wagi si Alex Eala sa naging laban nila ni Leylah Fernandez sa Washington, DC.

May bagong winning moment ang Pinay Tennis star na si Alexandra “Alex” Eala.

Matagumpay na nakapasok si Alex sa quarterfinals ng Mubadala DC Open matapos siyang magwagi sa paghaharap nila ng defending champion at Filipino-Canadian athlete na si Leylah Fernandez.

Nakuha ni Eala ang first set sa score na 6-2 pero sa second set nila ay umarangkada si Leylah sa score naman na 5-1. Nahabol ito ni Alex at natapos ang kanilang laban sa score na 7-6.

Ayon kay Alex, challenging ito para sa kanya ngunit proud siya sa kanyang naging performance sa naging laban nila ni Leylah.

“I think I definitely had some tough moments in that match and credit to Leylah [Fernandez]. She put me in some really tough positions. So, I think I'm super proud of how I fought and how I stayed there.”

Naganap ang muling paghaharap ng dalawang Tennis players nitong Miyerkules ng gabi (oras sa Pilipinas) sa Washington, DC.

Una na silang naging magkalaban sa Stuttgart Open noong April, kung saan nagwagi si Leylah sa laban nila ni Alex.

Related gallery: Who is Filipina tennis player Alex Eala?

Matatandaang kamakailan lang ay umuwi ng Pilipinas si Alex kasunod ng naging laban niya sa Wimbledon Championships.

Kaugnay nito, idinaos ang isang special meet-and-greet event, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang Pinoy fans na makita nang personal si Alex.