Showbiz News

Betong juggles numerous shows in GMA, how does he do it?

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Sunod-sunod ang mga projects ni Amazing Betong sa Kapuso network.
 
Bukod sa kanyang regular stint sa Bubble Gang at GMA Primetime series na Once Upon A Kiss, makikita rin natin siya sa Sunday musical variety show na Sunday All Stars.
 
Pero sa darating na Marso, isang panibagong project ang pagbibidahan ng grand winner ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown at makakasama niya si Sef Cadayona a.k.a ‘Selphie.’
 
Ito ang Sabado-badoo!
 
Sa panayam ng GMANetwork.com sa Kapuso comedian, tinanong namin si Kuya Betong kung paano niya hina-handle ang kabi-kabilang showbiz commitments niya ngayon?
 
Aniya, “'Yun lang talaga, mako-compromise talaga ‘yung tulog pero siyempre kailangan may vitamins. 'Yan ang importante and 'pag mayroong time talaga na puwede kang mag-take a nap, talagang take a nap.”
 
Hindi niyo dapat palampasin ang Sabado-badoo dahil bukod sa nakakatawang tandem nina Sef at Betong, ito na marahil ang pinakamalaking ‘GMA video collection ng bayan.’
 
Dagdag pa ni Betong, malaki ang utang na loob niya sa master impersonator na si Michael V dahil sa tuwing nakakatrabaho niya ito sa Bubble Gang ay marami siyang natutunan sa veteran comedian.
 
At ang mga lessons daw na nakukuha niya kay Bitoy ang kanyang i-a-apply sa bago niyang show para higit itong mapaghusay.
 
Saad ng Bubble Gang star, “Siguro dito parang sa comedy kasi talaga kailangan maging natural ka eh. Malalaman kasi sabi ni Kuya Bitoy 'pag hindi ka natural. Makikita 'yan ng audience na parang nag-e-effort ka, so dapat talaga natural.”
 
Dapat abangan ng mga Kapuso ang Sabado-badoo dahil ipapakita rito ang comprehensive video collection ng mga shows na ipinalabas ng Kapuso network noon hanggang ngayon pero gagawin itong mas interesting dahil bibigyan ito ng bago at kuwelang presentation.
 
Bukod pa riyan, dapat tutukan ng mga Kapuso ang mga celebrity na magiging highlight ng show at abangan kung ano ang gagawin ng mga hosts na sina Sef at Betong sa kanila.
 
Kaya mark your calendar dahil may bago na kayong paborito na mapapanood dito lamang sa network na malapit sa inyong puso. Abangan ang Sabado-badoo soon sa GMA-7! And make sure to like the official Facebook page of Sabado-badoo.