Showbiz News

Sebastian family, inalala ang final moments ni Jam

By CHERRY SUN
 
Pumanaw man si Jam Sebastian ay itinuturing ng kanyang pamilya na isang milagro ang kanyang paggising noong Sabado at Linggo mula sa isang araw na pagkakahimbing.
 
READ: Feeling ko buhay na buhay pa si Jam – Mich Liggayu 
 
Ayon kay Mrs. Maricar Sebastian, ina ng binata, ay lumaban hanggang huli ang kanyang anak.
 
Aniya sa Unang Hirit, nag-thumbs up pa si Jam sa kanyang ina nang kumustahin niya ito. Kuwento niya, “Nung nagising nga siya.. ‘O hirap ka na anak? Fight pa tayo?’ ‘Fight!”
 
Dagdag din ni Yexel, kapatid ni Jam, “Parang ang dating talaga sa akin, sa amin, talagang laban talaga. Laban talaga. Kumbaga sabi niya kasi after siyang ipag-pray ng maraming tao, lumakas daw siya. Ginanahan siyang kumain.”
 
Ibinahagi rin niya ang hindi na-i-post na Facebook status ng kanyang kapatid
 
Ani Jam, “Waaassuupppppp??? dto ako ngyn sa hospital, nagpagpapagaling. Sa kahit anong PAGSUBOK LABAN LANG!!!! Di ko alam kung mawawala na ako o mabubuhay pa pero ginagawa ko lahat para lumaban. Gising na gising ako, natulog ako, pagising ko, dami ng tube na naka-insert sa akin tapos nakapalibot fam and friends lahat nagiiyakan. 1 day daw ako tulog. Weird lang. Anyways, MARAMING MARAMING SALAMAT sa lahat ng nagdarasal at mga donasyon na bigay nyo. Sa kanila po ako kumakapit.”
 
 
Video courtesy of GMA News