Showbiz News

Mich Liggayu, nagpapakatatag sa pagpanaw ni Jam Sebastian

By CHERRY SUN

Sa kabila ng pagpanaw ng kanyang fiancé na si Jam Sebastian ay pilit na nagpapakatatag si Mich Liggayu.

Ani Mich sa 24 Oras, “Kaninang madaling araw pag-uwi namin, nakatulog ako agad. Tapos paggising ko, feeling ko refreshed ako. Parang may unexplainable comfort na naparamdam sa akin. Siguro.. sure ako pala na dahil sa prayers ‘yun, dahil kay Lord, kay Jam.”

READ: “Feeling ko buhay na buhay pa si Jam” – Mich Liggayu

Kwento rin ng dalaga na takot na takot daw si Jam bago ito pumanaw kaya’t binulungan niya ito na magdasal.

“May sinulat siya, hindi namin maintindihan sa ilalim nun. Pero next nun is nabasa na namin is lolo. Interpretation ng mommy niya or ng kuya niya is baka lolo ni Jam, ganun, tinatawag daw siya. Iniisip ko baka iba kasi wala naman siyang tinatawag na lolo eh. Hindi lolo tawag niya sa grandfather niya,” sabi ng dalaga.

“Baka siguro pwedeng saklolo ‘yun or something kaya nagpo-post pa rin ako na nag-a-ask pa rin ako na ipag-pray pa rin natin si Jam,” dugtong niya.

Ayon naman sa ina at kapatid ni Jam, nagbigay daw ng lakas ng loob sa kanila ang paglaban ng binata sa cancer.

Read: Pamilyang Sebastian, inalala ang final moments ni Jam

“Talagang pilit niya po lumaban sa abot ng makakaya niya. ‘Yung laban, nakita ko na para hindi na sa kanya. Parang mas more on para sa amin na lang, para sa tao na lang,” pahayag ni Yexel, kuya ni Jam.

Sambit din ni Mrs. Maricar, “Iniisip ko, ‘Anak, magiging hero ka. Ikaw ‘yung magiging inspirasyon ng may sakit na kahit na nasasaktan ka, still lumalaban ka. Hindi ka bumibitaw.”

Video courtesy of GMA News