Showbiz News

Gabby Eigenmann, magta-topless sa 'InstaDAD?'

By AL KENDRICK NOGUERA

 
Malapit na ang summer kaya naman marami sa atin ang nag-umpisa nang mag-diet para sa inaasam na sexy body na puwedeng ibalandra sa beach.
 
Isa si Gabby sa mga nagda-diet na ngayon pero hindi tulad ng karamihan, hindi sa beach ang target ng Kapuso actor kung ‘di sa telebisyon.
 
Si Gabby ang bibida sa upcoming weekly show ng GMA na InstaDAD. Ang role niya rito ay isang hot dad na mayroong tatlong anak.
 
Dahil kakaiba ang project na ito, todo raw ang paghahanda ni Gabby para sa bagong show. Marami raw siyang preparations lalo na sa physical aspect.
 
Dahil malapit nang mag-launch ang InstaDAD, walang oras na sinasayang si Gabby. Aniya, “So nagwo-workout ako ngayon. I’ve been going to the gym for the past few weeks. So far, I lost 9 lbs. Pero it doesn't stop there.”
 
Kailangan ni Gabby na mapanindigan ang role na ibinigay sa kanya kaya’t target niya talaga ang mag-lose weight at maging fit.
 
Kuwento nga ni Gabby, kinabahan siya sa biro ng creative team ng show. “Medyo scary kasi baka mayroon nga raw akong naka-topless na eksena,” bahagi niya.
 
Hindi raw maiwasan ang pressure pero maganda naman daw ang idudulot nito dahil lalong magiging challenging ang role. “Gustong-gusto ko talaga ang pressure. Ever since naman eh. But then again, it's another opportunity for me to reinvent myself, to be creative sa bagong atake ng character na 'to. Sabi nga nila, it's not just how you portray, sometimes it's also how you will look,” pagtatapos ni Gabby.