Showbiz News

Exciting na labanan ang hatid ng Cross Fight B-Daman tuwing Sabado

By MARAH RUIZ



Isa na namang exciting na anime ang dala sa inyo ng GMA Astig Authority kada Sabado ng umaga!

Narito na ang Cross Fight B-Daman, pampito na sa B-Daman anime series.

Samahan si Riki Ryugasaki sa pagpasok niya sa exciting na mundo ng labanan ng mga B-Daman.

Isang pangkaraniwang elementary student lang si Riki nang matuto siyang maglaro at sumali sa mga B-Daman tournaments. Ngunit malalaman niyang ang B-Animal na laman ng kanyang Thunder Thracian B-Daman ay ang Blue Dragon—isa sa mga Legendary Dragons! Makakasama niya dito ang kanyang kaibigan na si Samuri Shinigami, na nagtataglay din ng isang Legendary Dragon—ang White Dragon—sa kanyang Lightning Dravise B-Daman.

Matutuklasan nila ang B-Shot, isang grupong nais mamuno sa mundo gamit ang mga Legendary Dragons. Sasabak sina Riki at Samuru kasama ang kanilang mga B-Daman sa maraming mga labanan para protektahan ang mundo mula sa mga masasamang balak ng B-Shot.

Huwag palampasin ang Cross Fight B-Daman, tuwing Sabado simula March 7, pagkatapos ng Angry Birds Toons, sa nangungunang Astig Authority ng GMA!