Showbiz News

Mich Liggayu, idinetalye ang huling habilin sa kanya ni Jam

By MARAH RUIZ
 
Sa huling araw ng burol ng YouTube sensation na si Jam Sebastian, na-interview ng Startalk ang kanyang nobya at katambal na si Mich Liggayu.

WATCH: The Jamich love story
 
Inihambing niya ang kanyang mga emosyon sa isang rollercoaster. 
 
"Minsan tumatawa, kasi para ma-lighten yung mood pero hindi po natin maiwasan siyempre na maging emotional," wika ni Mich. 
 
Humuhugot na lang daw ang dalaga ng lakas sa kanyang pamilya at sa pagdadasal. 
 
Nang matanong naman siya ng mga Startalk hosts na sina Joey de Leon at Lolit Solis kung itutuloy pa niya ang paggawa ng mga YouTube videos para sa mga tagahanga nila ni Jam, inamin ng dalaga ang kanyang mga plano.
 
"Opo. Actually, meron po kaming pending na short film and nakapag-cameo po si Jam doon. Plano ko po syang ituloy kapag kaya ko na pong makapagtrabaho ulit," sabi niya. 
 
Sa katunayan, isa raw ito sa huling habilin sa kanya ni Jam.
 
"Gusto niya po na ipagpatuloy ko yung passion naming dalawa, ipagpatuloy ko yung pagyu-YouTube namin. Maging strong daw po ako. Continue ko pa din daw po yung pagiging postiive po," pahayag ni Mich. 
 
Pakiramdam naman daw niya na kasama pa din niya si Jam kahit wala na ito.

READ: Jam's final moments
 
"Ang lakas ng presence niya. Hindi po ako nakaka-feel ng takot or anything. Mas sobrang angat po yung love na nafi-feel ko and comfort," ibinahagi nito.

READ: Ina ni Jam, pinabulaanan na itinigil nila ang life support
 
Ano naman kaya ang mensahe niya para sa yumaong kasintahan?
 
"Nagpe-pray po ako sa kanya na sana mapanaginipan ko man lang siya, na makita kong masaya or healthy siya ulit," sabi ni Mich.
 
Pumanaw si Jam sa edad na 28 dahil sa mga kumplikasyong sanhi ng lung cancer.
 
                                                                                                Video courtesy of GMA News Online