BiGuel, may tampuhan?
Published On: March 08, 2015, 08:55 PM
Updated On: March 09, 2020, 09:17 AM
By AEDRIANNE ACAR
Kaarawan ng Once Upon A Kiss star na si Bianca Umali last March 2. Ngunit mukhang may hindi sila pinagkasunduan ng kanyang ka-love team na si Miguel Tanfelix.
Sa birthday greeting na pinost ni Miguel para sa dalaga sa kanyang Instagram account, nabanggit ng Kapuso cutie na may tampo sa kanya ang kapareha.
Ani Miguel, “Bianca! Myti! Ilong! Uhmm.. Happy birthday! Nagustuhan mo sana yung surpise and gift ko for you. Di na ako masyadong mag me-message sayo. Alam mo na yun! Uuuuuyy.... Wag ka na mag tampo! Happy Birthday Maria Isadora Bianca Soler Umali!”
Ang surprise gift ni Miguel, isang mamahaling relo para kay Bianca.
Bongga namang sinalubong ni Bianca ang kanyang kaarawan nitong Lunes. Nag-trend kasi worldwide sa Twitter ang birthday ng mestiza beauty.
Ang surprise gift ni Miguel, isang mamahaling relo para kay Bianca.
Bongga namang sinalubong ni Bianca ang kanyang kaarawan nitong Lunes. Nag-trend kasi worldwide sa Twitter ang birthday ng mestiza beauty.
Nagpasalamat naman ang Ismol Family actress sa lahat ng nagpaabot ng mensahe sa kanyang espesyal na araw.
“Knowing that I trended means a lot to me. I thank everyone for all the greetings I've received and also for making me feel special on my birthday. Thank you guys so much!”