Showbiz News

Kahit misis na, Marian Rivera, crush na crush pa rin ng mga bagets

By AEDRIANNE ACAR
 
After her dream wedding last year with the Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, marami pa rin ang humahanga sa ganda ni Marian Rivera. Lalong-lalo na ang mga young stars.
 
Isa sa mga solid fans ng Kapuso Primetime Queen ang InstaDAD star na si Juancho Trivino. 
 
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa cager-turned-actor, hindi nito maitago ang matinding paghanga sa aktres at dream daw for him na makatrabaho ang tulad ni Marian.  
 

Aniya, “Of course naman siguro, everyone’s dream 'yun 'di ba? Noong nakita ko nga siya, kahit parang ilang beses ko siyang makita, nasta-starstruck pa rin ako sa kanya.”
 
Dating member ng varsity team ng De La Salle Canlubang itong si Juancho at kahit hindi na siya lumalaban sa kumpetisyon, nandoon pa rin ang passion ng Kapuso cutie sa paglalaro ng basketball.
 
Umamin si Juancho na kung hindi raw nag-prosper ang career niya sa showbiz, marahil sinubukan din niyang pasukin ang mundo ng professional basketball. 
 
“Hindi naman sa ano ha hindi ako nag-aral ng mabuti nung bata ako, pero I always knew parang alam ko sa sarili ko na it’s either mag-ba-basketball ako or mag-a-artista ako.”
 
“It’s one of those two, so, oo feeling ko hindi nag-work out sa akin ‘yung pagiging artista mag-ta-try ako sa professional basketball.”