Showbiz News

Kapuso stars, full support kay Wyn Marquez sa Binibining Pilipinas

By MARY LOUISE LIGUNAS
 
Hindi lang si Wyn Marquez ang excited para sa kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas dahil todo suporta ang kanyang mga kaibigan sa showbiz.
 
Isa sa kanyang mga tagahangang kaibigan ay si Aicelle Santos na malakas ang paniniwalang maiuuwi ni Wyn ang isa sa limang korona.
 
Maliban sa mga titulo ng Miss Universe Philippines, Binibining Pilipinas – International, Binibining Pilipinas – Supranational, Binibining Pilipinas – Intercontinental at Binibining Pilipinas – Tourism, may mga special awards din na puwedeng mapanalunan. Isa rito ang Ms. Creamsilk 2015 World Class Filipina na puwedeng pagbotohan ng mga netizens.
 
Hindi lang si Wyn ang nag-post para siya’y iboto. Tinutulungan din siya ng kanyang mga kapwa artista tulad nina Rocco Nacino, Steven Silva, Mark Herras, Julie Anne San Jose at Julian Trono.