Dimples? Check. Cute smile? Check. Dreamy eyes? Check! Say hello to James Jirayu ng Thailand, ang Thai actor na muling magpapakilig sa GMA Heart of Asia.
Kailanman ay hindi naisip na mag-artista ni Jirayu Tangsrisuk--mas kilala bilang "James Jirayu" ng kanyang mga tagahanga--dahil bata pa lamang ay likas na siyang mahiyain. Ngunit nagbago ang lahat nang makita ng isang entertainment agency ang photos ni James sa Facebook at inalok ito na mag-artista.
Masasabing "complete package" ang 28-year-old Thai actor dahil bukod sa guwapo ay matangkad din ito na may taas na 6'1" o 186 cm. Kaya naman kabi-kabila rin ang alok sa kanya na magmodelo.
Halina't sabay-sabay nating kilalanin ang Thai actor na magpapangiti sa ating umaga sa gallery na ito:
Nagsimula sa pag-aartista si James sa edad na 18. Mas nakilala ang aktor nang magbida sa Lakorn drama na 'The Gentlemen of Juthathep' noong May 2013. Setyembre ng taon ding iyon ay bumida sa kauna-unahang pagkakataon ang aktor sa pelikulang 'First Love' at dalawang drama 'Angel Heart' at 'Race.'
Hindi lamang sa Thailand sikat ang aktor kundi maging sa Japan. Matapos maipalabas ang 'Race' sa Japan, sunod-sunod na ang guestings, concerts, at fan meetings nito. Ilan sa mga dramang nagbigay sa kanya ng Best Actor Awards ay ang 'The Five Brothers' (2013), 'Pure Gold' (2013), 'The One In My Heart' (2015), 'Fallen Angel' (2017), 'Underneath The Same Sky' (2018) at 'Cage of Karma' (2019).
Nagsimula ang career ni James sa pagmomodelo matapos manalo sa model contest ng isang cosmetic brand sa Thailand noong 2011. Sa ngayon, iba't ibang cosmetics, clothing, jewelry, accesories at iba pa ang ineendorso ng aktor na mapapansin din sa kanyang Instagram account @jirayu_jj.
Bukod sa pag-arte at pagmomodelo, isa ring magaling na singer at guitarist si James. Katunayan ay may banda ito noong nag-aaral pa lamang.
Noong March 2021, naglabas si James ng kanyang kauna-unahang mini music album na mayroong limang kanta: '(Missing You) Always,' 'Step by Step,' '"Hold On,' "By The Time... I Got You,' at 'Stubborn.'
Nang magtapos sa high school ipinagpatuloy ni James ang kanyang pag-aaral sa Faculty of Communication Arts sa Rangsit University, isang private university sa Pathum Thani, Thailand. Matapos na makakuha ng scholarship, lumipat siya sa Faculty of Business Administration kung saan nakapagtapos siya ng Retail Business Management noong 2017.
Dahil malaki ang interes ng aktor sa computer, lalo na sa computer games, nais ni James na mag-aral ng Computer Science o Information Technology sa hinaharap.
Si James Jirayu ay ipinanganak sa Phichit Province, Thailand noong Setyembre 19, 1993. Siya ang bunso sa dalawang magkakapatid. Nakuha niya ang palayaw na "James" dahil ito ang nakasanayang itawag sa kanya ng kanyang magulang sunod sa pangalan ni 'James Bond.'
Si James Jirayu Tangsrisuk ay may taas na 6'1" o 186 cm.
Unang napanood si James Jirayu Tangsrisuk sa GMA Heart of Asia noong July 2021 sa Lakorn series na 'Game of Affection' kasama ang Thai actress na si Taew Natapohn Tameeruks.
Ngayong July 2022, bibida si James Jirayu Tangsrisuk sa bagong Thai drama na 'The Deadly Affair' bilang si Ohm Aphinon kasama ang aktres na si Gina Yeena Salas.
Simula July 4, muling mapapanood si James Jirayu Tangsrisuk sa GMA Heart of Asia bilang si Timothy sa Lakorn series na 'Prophecy of Love.'