advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Andrea Torres and Kylie Padilla's sweet moments

1 of 26

Beth

Gagampanan ni Kylie Padilla ang karakter ni Beth na isang lesbian.

2 of 26

Cindy

Ang karakter naman ni Cindy ang gagampanan ni Andrea Torres. Base sa post nila ni Kylie, tila magkarelasyon ang kanilang mga karakter.

3 of 26

BetCin

Agad na nakuha nina Kylie at Andrea ang atensyon ng kani-kanilang fans sa teaser photo na ito para sa kanilang proyekto.

advertisement
4 of 26

Breakup

Bilang sina Beth at Cindy, ipakikita nila ang mga pinagdadaan sa relasyon ng lesbian couple.

5 of 26

Ideal couple

Kahit first time pareho nina Kylie at Andrea na makatambal ang kapwa babae, hindi sila nakikitaan ng pagkailang sa isa't isa.

6 of 26

#RelationshipGoals

Mauuwi kaya sa kasalan ang relasyon nina Beth at Cindy?

advertisement
7 of 26

Sweet moments

Makikita sa larawang ito ang sweet moments nina Kylie at Andrea, pati na ang kissing scene nilang dalawa.

8 of 26

Wedding

Sa trailer pa lang, umani na nang papuri si Kylie sa kanyang pagganap bilang lesbian.

9 of 26

Role

Ayon kay Kylie sa karakter na ginagampanan niya sa proyektong ito, "The whole time I was playing those are the kind of roles I love."

advertisement
10 of 26

Rings

Mapapansin sa larawang ito na parehong nakasuot ng singsing sina Kylie at Andrea habang magkahawak ng kamay. Parte ang eksenang ito ng unang trailer na nakasuot pangkasal ang dalawa.

11 of 26

Chemistry

Kapansin-pansin ang chemistry sa pagitang ng Kapuso actresses na sina Kylie at Andrea sa larawang ito.

12 of 26

Last Day

Katatapos lamang ng taping nina Kylie at Andrea para sa proyektong ito noong July 30. Ayon kay Kylie, nalungkot siya dahil napamahal na sa mga taong nakasama sa set.

advertisement
13 of 26

Memories

"Met so many good, interesting people on this set and I made friends. I'm not exaggerating when I say I will be so sad to hear the last 'pack up!' from direk Shugo Praico today (July 30). I LOVE THIS TEAM, THE MATERIAL AND THE PROCESS OF MAKING THIS SERIES. Thankyou for all the memories." - Kylie Padilla

14 of 26

Message

Sa pagtatapos ng taping, binigyan ng regalo ni Kylie si Andrea at isa na rito ang mensahe niyang ito.

"I enjoyed every moment! A little gift lang for you. So happy ikaw naging unang leading lady ko! 'Til next time. Love Kylie aka Beth! P.S. I miss you already babe! nyahahaha!"

15 of 26

Babe

'Babe' ang tawagan ng mga karakter nina Kylie at Andrea sa kanilang proyekto

advertisement
16 of 26

Sulyap

Mapapansin sa larawang ito ang nakakakilig na pagsulyap ni Kylie kay Andrea habang nakaupo.

17 of 26

Drinks

Nasa loob ng isang bar sina Kylie at Andrea kung saan mapapansin ang seryoso nilang mga mukha. Makikita naman sa kanilang likuran ang salitang 'BetCin' na pinaikling pangalan ng mga karakter nilang sina Beth at Cindy.

18 of 26

Suyuan

Sa larawang ito, makikita na para bang may suyuang nagaganap kina Kylie kay Andrea.

advertisement
19 of 26

Hugs

Mahigpit na yakap ang isinukli nina Kylie at Andrea sa mga staff sa huling araw nila sa set.

20 of 26

Trailer

Noong August 5, inilabas na ang trailer ng proyekto nina Kylie at Andrea kung saan puno ito ng kilig at pagmamahalan nilang dalawa.

21 of 26

Social media

Noong August 30, ibinahagi ni Kylie ang larawan kasama si Andrea habang masayang magkahawak ng kamay.

Ayon pa kay Kylie sa mga karakter na gagampanan nila sa BETCIN, "Just how much does social media affect our relationships?"

advertisement
22 of 26

Project

Napanood ng premiere ng 'BetCin' sa WeTV Philippines noong October 15, 2021.

23 of 26

Recording

Noong September 11, ibinahagi ni Kylie ang larawan kasama si Andrea habang nasa recording at kapwa naka-black outfit.

24 of 26

Proud moment

"YES WE DID THAT," proud na ipinahayag ni Kylie sa isang Instagram post kung saan makikitang tila ikinasal sila ni Andrea sa pelikula.

advertisement
25 of 26

Fun

Pruweba ang larawang ito na nag-enjoy sina Andrea at Kylie sa set ng 'BetCin.'

26 of 26

Girls' love drama

Bagay na bagay na gumanap sina Andrea at Kylie na lesbian on-screen.