Showbiz News

Mega, Juday at DongYan, makikigulo sa 'Ismol Family?'

By AEDRIANNE ACAR
 
Napili ang bahay nina Jingo at Majay bilang location para sa shoot ng isang indie film kung saan pagbibidahan ito nila Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Dingdong Dantes at Marian Rivera.
 

At dahil fan si Majay ni Judy Ann, pumayag ito na gamitin ang bahay nila para sa shooting.
 
Makita kaya ni Majay ang idol niya na si Judy Ann Santos?
 
Natipuhan naman ng beki-friend ni Jingo na si Bernie ang location hunter na si Ramsey. At dahil sa sobrang guwapo ni bakla, gusto siyang gawing artista!
 
Mala-launch kaya bilang artista si Bernie?
 
Mukhang hindi magkakasundo ang foreignay na kasambahay ng pamilya Ismol na si Natalia at ang tindera ng ‘bekiry’ na may saltik na si Lora.
 
Nangangamoy away naman 'to! 
 
Kaya huwag ninyo palampasin ang episode ng family-oriented show na Ismol Family this Sunday (March 29) pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko.