Showbiz News

Dingdong Dantes, very happy sa positive feedback ng viewers sa 'Pari 'Koy'

By MICHELLE CALIGAN

 
Abot langit ang tuwa ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa positive feedback na natatanggap ng kanyang pinagbibidahang faith-serye, ang Pari 'Koy.
 
Ayon sa ulat ni Luanne Dy sa Balitanghali noong Miyerkules, March 25, inirekomenda pa ng ilang pari ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines o CBCP ang panonood nito dahil puno ito ng aral. Dagdag pa nila, very refreshing ang ganitong klase ng TV show na nagpapakita ng buhay ng isang pari sa komunidad at ang kanilang pagsisilbi nang naaayon sa kagustuhan ng Panginoon.
 
Thankful din si Dong dahil marami ang natutuwa sa kanyang character bilang ang astig na si Fr. Kokoy, at pati mismong cast ng show ay nai-inspire sa nagiging takbo ng kuwento.
 
"Sobrang nagpapasalamat po kami sa lahat ng sumusuporta. Kumbaga uplifting dahil kahit basahin mo 'yung script nakaka-inspire talaga kung ano ang nilalaman niya," pahayag ng aktor.
 
Todo suporta din ang award-winning actor sa kanyang asawang si Marian Rivera na bibida naman sa upcoming primetime teleserye na The Rich Man's Daughter.
 
Video courtesy of GMA News