Showbiz News

Carla on her controversial comments: 'I do not regret saying anything that I have said in the past'

By MICHELLE CALIGAN

 
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

"I do not regret saying anything that I have said in the past. Everything is well thought of. Kahit pa naging issue, ganun ako. When I speak, I know what I'm saying."
 
Ito ang diretsahang sagot ni Carla Abellana sa entertainment press nang tanungin siya tungkol sa kanyang controversial posts sa social media. Matatandaang naging vocal ang Kapuso actress sa kanyang frustration sa isang endorsement shoot.

READ: Carla Abellana inks another three-year contract with GMA
 
"Nag-apologize naman sila, pero first time ever 'yun in my career na nagawa sa akin 'yun. I guess ganun talaga, it happens. It just goes to show what kind of people we get to work with, iba-iba talaga. Hindi sila pare-pareho so nangyayari't nangyayari talaga."
 
Hindi naman daw niya pinagsisisihan ang naturang Instagram post. "If I didn't post that, hindi siya malalaman ng endorsement ko."
 
Aniya, "I don't even speak much, but when I speak, I mean it. Parang ganun. I know what I'm saying, and hindi ako magsasalita kung hindi ko siya pinag-isipan. Pinag-isipan ko nang mabuti 'yun bago ko sabihin."

READ: No label for Carla and Tom's relationship
 
Kaya naman tinigilan na rin niya ang pagpatol sa kanyang bashers online.
 
"Dati, pero iilan na lang naman sila, pagbibigyan mo pa ba ng time 'yun? Pagtutuunan mo pa ba ng pansin? Mas madami naman ang nagmamahal sa 'yo, sumusuporta sa 'yo. Para hindi na rin lumaki, do not entertain na lang. Never sila mawawala. Kahit sino ka pa, kahit santo ka pa o anghel ka, may bashers ka."