Showbiz News

Ryzza Mae, hindi nagpapabaya sa pag-aaral

By MARY LOUISE LIGUNAS
 

Sobrang busy man si Ryzza Mae Dizon sa kanyang mga obligasyon sa showbiz, patuloy pa rin ang kanyang pagsisikap sa pag-aaral.
 
Kahit araw-araw siyang napapanood sa The Ryzza Mae Show at Eat Bulaga ay enrolled siya sa Eton International School.
 
Noong nakaraang Sabado, sa huling araw ng school year, ay ginawaran siya ng Multiple Intelligence Award: Excellence in Verbal Lingustic at Special Award: Eton Achiever.
 
Nagpapasalamat naman ang child star sa dalawang gantimpalang ipinagkaloob sa kanya.
 
“Yay!!!!!!!! Congratulations to me!!!! Thank you Eton International School!” sinulat niya sa kanyang Instagram account.
 
Sinisiguro ni Ryzza na nakakahabol siya sa mga school requirements sa tulong ng kanyang tutor at sa pamamagitan ng pagsagot ng modules at exercises habang naghinintay sa set.
 
Grade five na si Ryzza Mae sa susunod na school year.