Showbiz News

Pagganap bilang Pari ‘Koy, personal para kay Dingdong Dantes

By CHERRY SUN



Isang malaking hamon man ay itinuturing personal ni Dingdong Dantes ang kanyang pagganap bilang Pari ‘Koy sa faith-serye ng Kapuso network.

“Everyday is a challenge dahil hindi naman simpleng paksa ang tinatalakay namin,” pag-amin niya sa Unang Hirit.

“Sa iba very personal, especially para sa akin ‘di ba? Maraming aral sa buhay, so ginagawa namin siya carefully,” dagdag ng Kapuso Primetime King.

Aniya, na-internalize na rin niya ang pagiging isang pari.

“Kinalakihan ko rin na talagang nag-aattend ako ng misa and syempre ‘yung pamamaraan ng mga pari, kung papano sila mag-impart ng message ay hindi naman mawawala sa atin ‘yan. Mula bata tayo hanggang ngayon, nakikinig tayo,” bahagi ni Dingdong.

Pahayag naman ng kanyang co-star na si Sunshine Dizon, “Very convincing. Nagkakabiruan nga dito sa set minsan, hinihiling namin na ipag-pray kami ni Pari ‘Koy.”