Showbiz News

Ina Raymundo, hinamon ang bashers

By AL KENDRICK NOGUERA

Nag-post si Ina Raymundo sa kanyang Instagram ng isang larawan na ipinapakita ang kanyang pagiging sexy mom. Pero imbes na sa kanyang physique ang naging focus ng larawan, nakaagaw pansin sa netizens ang itsura ng kili-kili ng dating sexy actress.



Mayroong ilang netizens na nanlait sa kili-kili ni Ina tulad nina @claairemiles at @liza.nayasuj.


 
Dahil sa negative comments na nakuha ni Ina, hindi niya napigilang mag-comment dito. Isang hamon ang ibinigay ni Ina sa kanyang bashers.



Sa ngayon ay hindi na makikita sa Instagram post ang comments na ito. Tanging positive comments na lang ang naiwan tulad ng comment ni @wewin80.