Showbiz News

Mikael Daez, excited sa project na gagawin sa Cambodia

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Pagkatapos pumirma ng panibagong kontrata sa Kapuso network ang aktor na si Mikael Daez, excited niyang ibinahagi ang kanyang bagong proyekto kung saan makakasama niyang muli ang ka-loveteam na si Andrea Torres.

Kuwento ni Mikael, “Ito na, maa-announce ko na finally. Mayroon kaming co-production project with Cambodia, with Andrea Torres, so maabangan ninyo 'yang Mik-An loveteam. So that's super exciting. Never ko naisip na makakapag-project ako sa ibang bansa and now gagawin namin.”

“Binigay sa akin 'yung schedule, I think 20 days kami sa Cambodia. Parang may pagka-martial artist yata ako doon, hindi ko pa alam yung final storyline. Pero when they give it, I'll let you know. Pero excited na ako, at sana excited din kayo,” dagdag ng aktor.

MUST READ: Megan Young willing to work with rumored boyfriend Mikael Daez

Ayon kay Mikael, sa April 17 tutungo na sila sa Cambodia para mag-shoot. Maaari rin umanong may makasama silang mga artista mula sa Cambodia sa proyektong ito.

“Hindi ko rin alam. I assume. Feeling ko meron,” pahayag ni Mikael.

Dahil alam ng nakakarami na mahilig mag-travel si Mikael, saang lugar excited pumunta si Mikael sa proyektong ito?

“Sana mag-Angkor Wat kami, siyempre 'yung Phnom Penh, 'yung capital nandoon 'yun. And 'yung iba’t-ibang sulok ng Cambodia na hindi pa nakikita ng mga tao para mapakita rin natin sa mga Pilipino. I think it's a good way to show what Cambodia has and it's a good way for us to show Cambodia what artists we have here [in the Philippines].”