Si Lee Dong-wook ay isa sa mga favorite Korean actors ng mga Pinoy dahil sa taglay nitong husay sa pag-arte na may bonus pang good looks.
Maraming beses na ring nakabisita sa Pilipinas ang aktor para sa proyekto nito na sinamahan pa ng meet-and-greet events.
Noong 2021, napapanood si Lee Dong-wook bilang si Leon sa Korean drama series na handog ng GMA Heart of Asia, ang 'Tale of the Nine Tailed.' Kasama niya rito ang Korean stars na sina Jo Bo-ah at Kim Bum.
Kasalukuyan naman siyang napapanood tuwing hapon sa isa pang K-dramang handog ng Kapuso network, ang 'Goblin: The Lonely and Great God' kung saan lumalabas siya bilang The Grim Reaper.
Kilalanin si Lee Dong-wook sa gallery na ito.
Sa kasalukuyan, 39 years old na pala si Lee Dong Wook. Pero hindi halata, 'di ba? Ipinanganak ang aktor sa South Korea noong November 6, 1981.
Attracted din ba kayo sa lips ni Lee Dong Wook? Simula nang ipanganak ang aktor, natural na pula talaga ang kulay ng kanyang labi.
Mahilig si Lee Dong Wook sa food trips, paglalaro ng games sa mobile phone at simpleng pagtambay sa loob ng kanyang bahay.
Bata pa lang pala ay pangarap na ni Lee Dong Wook na maging isang aktor.
Nakapagtapos si Lee Dong Wook ng kursong Broadcasting and Media Arts sa Joongbu University.
Naging sikat si Lee Dong Wook sa entertainment industry nang mapakilig niya ang napakaraming manonood sa Korean drama series na My Girl noong 2005.
Sa dami ng kanyang pinakilig sa series na My Girl at iba pang television series, binigyan siya ng kanyang fans ng nickname na 'Wookie.'
Nasubukan na ni Lee Dong Wook ang different roles bilang isang mahusay na Korean actor.
Isa na rito ay ang pagganap niya bilang isang royal physician at isang mapagmahal na ama sa Korean television series na The Fugitive of Joseon noong 2013.
Sa isang interview, ibinahagi ni Lee Dong Wook na napakahusay niya sa iba't ibang household chores.
Pag wo-workout ang isa sa mga nakakahiligan ngayon ni Lee Dong Wook.
Alam niyo ba na kilala pala si Lee Dong Wook bilang isang chill at caring na ka-trabaho?
Ilan sa kanyang mga naka-trabaho ang humahanga sa kanyang mabuting pag-uugali.
Dahil sa kanyang looks at popularity, naging mukha rin ng iba't ibang brands si Lee Dong-wook sa South Korea at na-feature pa sa mga magazine maging sa ibang bansa.
Lalong lumakas ang dating ni Lee Dong-wook dahil sa kanyang bro flow hairstyle.
Kontrabida man, pero marami pa rin ang na-in love sa kanyang role sa isa sa mga high-rated series sa South Korea na 'Goblin: The Lonely and Great God' na napapanood sa Philippine television.