advertisement
Showbiz News

Meet GMA's mga 'Kuya ng Kaalaman'

1 of 7

Kim Atienza aka "Kuya ng Bayan"

Nagtapos ng kursong Bachelor's Degree in Film and Audio-visual Communication sa University of the Philippines-Diliman, sumikat at nakilala si Kuya Kim Atienza sa telebisyon dahil sa kaniyang napakaraming trivia sa science man o history.
Sa katunayan, ginawaran siya noon ng “PMS Innovation” award ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Administration o (PAGASA) dahil sa kaniyang hindi matatawarang galing at talino.


Bilang bagong Kapuso, pangungunahan ngayon ni Kuya Kim ang pinakabagong news magazine program ng GMA ang “Dapat Alam Mo!” na mapapanood sa GTV. Mapapanood din siya sa '24 Oras' upang magbigay ng mga bagong kaalaman sa mga manonood.

2 of 7

Dingdong Dantes

Ang tinaguriang Primetime King ng GMA at isa sa pinakamahusay na aktor ng kaniyang henerasyon, si Dingdong Dantes ay napapanood din ngayon bilang host ng 'Amazing Earth.' Dito ay ibinabahagi ni Dingdong kung paano mamuhay ang iba't ibang uri ng hayop at ang mga kakaibang pangyayari na minsan lang natin makita sa kalikasan at sa ating mundo.

3 of 7

Drew Arellano

Kung travel goals lang din naman ang pag-uusapan, sino ba naman ang makakalimot sa 'Biyahe ni Drew,' ang programang pinangungunahan ng celebrity dad at host na si Drew Arellano. Hindi na mabilang ang mga lugar at bansa na napuntahan ni Drew. Lahat tayo ay siguradong naiinggit tuwing inililibot niya tayo sa mga nakakamanghang destinasyon. Dagdag pa rito, ipinakikilala rin ng host ang mayamang kultura at tradisyon ng bawat lugar na kaniyang binibisita. Pero bukod dito, isang educational program din ang pinangungunahan ni Drew, ito ay ang 'AHA!.'

advertisement
4 of 7

Chris Tiu

Ang retired Filipino professional basketball player at host na si Chris Tiu ang isa sa inaabangan natin tuwing Linggo ng umaga sa GMA. Marami ang napapabilib sa iba't ibang science experiments na isinasagawa sa kaniyang programa na 'iBilib.' Ang show na ito ay ginawa upang mas ma-engganyo ang mga kabataan mag-aaral ng agham.


Bilang isa sa mga respetadong atletang pinoy, si Chris Tiu ang naging team captain ng Sinag Pilipinas sa 2011 Southeast Asian Games.

5 of 7

Dr. Ferds Recio

Isa si Dr. Ferds Recio sa long-time host ng weekly travel at wildlife show na 'Born to be Wild.' Siya ay nag-aral sa University of the Philippines sa College of Veterinary Medicine taong 2000.

6 of 7

Dr. Nielson Donato

Bukod kay Dr. Ferds Recio, isa rin ang wildlife veterinarian na si Dr. Nielson Donato sa host ng 'Born to be Wild.' Hilig ni Doc Nielsen ang mag-alaga ng mga exotic animal, kaya naman kayang-kaya niyang ipaliwanag sa kanilang programa ang mga kakaibang gawi at kilos ng mga normal at exotic na hayop.

advertisement
7 of 7

Atom Araullo

Ang GMA News presenter na si Atom Araullo ang isa sa pinakahinahangaan ng maraming mga Pinoy pagdating sa broadcast journalism. Mula sa pagiging host ng isang educational program noong kaniyang kabataan, isa na ngayon si Atom sa pinaka-pinagkakatiwalaang broadcast journalist sa bansa. Ang kaniyang mga dokumentaryo sa 'The Atom Araullo Specials' ang nagpapakita sa atin ng ilang realidad sa buhay mula sa ibang perspektibo.