Showbiz News

Aleng Maliit, gusto tumagal ang 'The Ryzza Mae Show' ng 36 years

By MARY LOUISE LIGUNAS
 
Ipinagdiwang ni Aleng Maliit ang second anniversary ng The Ryzza Mae Show kaninang tanghali. Imbis na siya ang mag-host ay ininterbyu siya ng 24 Oras anchors na sina Mike Enriquez at Vicky Morales.
 

Tinanong ng dalawang mamamahayag kung ano pa ang pangarap ni Ryzza.
 
“Sana po parang Eat Bulaga, 36 years. Matanda na po ako, nag-ho-host pa ko. Baka po kasama ko na 'yung anak ko. Saka baka lumaki na naman ako ng kahit konti. Ganun po,” natatawa niyang ipinamahagi.
 
Sa unang episode ng kanyang anniversary celebration, natuwa ang mga Dabarkads dahil napa-walling ni Ryzza si Vicky Morales at napa-acting si Mike Enriquez.
 
Para kay Ryzza, ang kanyang tagumpay ay hindi dahil sa kanyang kahusayan ngunit dahil sa tulong ng mga tao sa paligid niya.
 
“[Nagpapasalamat ako] unang una sa Dabarkads, sa Eat Bulaga, kay Bossing, kay Tito Sen, kay Tito Joey [at] sa lahat po ng Dabarkads. Kung wala po sila, wala pong The Ryzza Mae Show… Sa lahat po ng bumubuo ng The Ryzza Mae Show, [salamat]… Thank you [rin] po sa inyong lahat, [na] naging guest namin [dito],” sabi niya.
 
Taos-puso rin niyang pinasalamatan ang lahat ng nanonood ng kanyang show.
 
“Sa inyo pong lahat na nanonood na kasama ko 11:30 hanggang alas dose po, maraming maraming salamat po sa inyong lahat, sa lahat ng mga nanonood sa buong mundo,” dagdag ni Aleng Maliit.