Showbiz News

Marian Rivera, wala pang planong magka-baby ngayong taon

By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Ayon sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, wala pa umano silang planong magka-baby ng kanyang asawa na si Dingdong Dantes. Ngunit big blessing daw ito kapag nabiyayaan sila ng kanyang asawa ng isang anak. 
 
Sa kasalukuyan ay busy ang Kapuso Primetime King sa kanyang Primetime soap na Pari 'Koy at si Marian naman ay malapit nang simulan ang The Rich Man's Daughter kaya posibleng maantala muna ang pagkakaroon ng baby this year.
 
"May proseso siguro. Ngayon, nagso-soap ako. Ngayon, kung ibibigay ng Panginoon, wow, thank you isang malaking biyaya 'yan," pahayag ni Marian.
 
Dagdag ni Marian, gusto nila ni Dingdong na step by step ang kanilang mga plano.

Aniya, "Step by step. Kung biyayaan [ng baby] na may soap, why not? Eh napaka-konsiderasyon naman ng GMA kung paano nila alagaan ang isang artista nila so hindi ako nag-aalala doon."
 
Ibinahagi rin ni Marian na hanggang sa ngayon ay dumadaan pa rin umano sila ni Dingdong sa adjustments sa kanilang buhay mag-asawa.  
 
"Nadiskubre ko mas sweet siya sa akin. Mas dumoble pa 'yung pagiging protective niya sa akin. Kinikilig talaga ako hanggang ngayon," saad ni Marian.
 
Video courtesy of GMA News