Showbiz News

'Wowowin' host Willie Revillame talks to Jessica Soho

By AEDRIANNE ACAR
 
Marami na ang nag-aabang sa pagbabalik telebisyon ng kontobersyal na TV host na si Willie Revillame. 
 
Matapos pumirma ng kontrata bilang bagong Kapuso noong nakaraang buwan, inaantabayanan na ng milyon-milyong tagahanga ni Willie ang bagong variety show na Wowowin
 
Dapat niyo rin tutukan mga Kapuso ang pag-guest ni Willie sa news magazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho
 
Base sa isang post sa Instagram kahapon, makikita ang one-on-one interview ng Kapuso anchor na si Ms. Jessica Soho kay Willie habang nasa Tagaytay.
 
 
Alamin ang mga sagot ni Willie sa mga kontrobersya na kinasangkutan niya at kung ano-ano ang dapat niyong abangan sa Wowowin.
 
Tutukan 'yan sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Malapit na!