Showbiz News

TomDen magpapakilig sa ‘Pepito Manaloto’ ngayong Sabado!

By AEDRIANNE ACAR
 
Mangyayari na ang pinakahihintay niyong reunion ng love team na nagpakilig at nagpaluha sa inyo gabi-gabi!
 

This Saturday (April 11), guest sa multi-awarded comedy show na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento ang mga Kapuso hunks na sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo.
 
READ: TomDen reunion
 
Gagampanan ni Dennis ang karakter ni Bhoy, ang temporary driver nina Pepito at Elsa. Sa sobrang guwapo at sexy, pagkakaguluhan siya ng mga kasambahay at kapitbahay!
 
Pero mukhang mag-iiba ang ihip ng hangin nang malaman ni Bhoy na kapitbahay ng amo niya ang leading man na si Tom Rodriguez.
 
Mukhang bromance is in the air mga Kapuso!  
 
Ito naman si Chito maiipit sa dalawang babae. Alamin kung ano'ng problema ang kasasangkutan niya na may kinalaman kay Nikki (Julie Anne San Jose) at ex-girlfriend niya na si Sabrina (Joyce Ching). 
 
Kaya piliin mag-staycation mga Kapuso this Saturday at panoorin ang kapana-panabik na episode na handog ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, pagkatapos ng Sabado-Badoo sa Sabado Star Power ng GMA-7!