Showbiz News

Magic, action at adventure sa 'Magi!'

By MARAH RUIZ
 
Sa mundo ng Magi, lahat ng tao ay nagtataglay ng Rukh—ang esensiya ng buhay. 
 
Maaaring gamitin ang sari-sarili nilang Rukh para pagtibayin ang kanilang mga armas o palakasin ang iba pa nilang mga abilidad. Ngunit may ilang mga nilalang na kayang gumamit ng Rukh ng ibang tao. Ito ang mga Magi.
 
Isa na dito si Aladdin. Matapos ang matahimik na kabataan, maglalakbay siya at makikilala si Alibaba. Ibabahagi ni Alibaba sa kanya ang pangarap nitong galugarin ang dungeon ng Amon kung saan may limpak limpak na kayamanan. 
 
Magsasama ang dalawang magkaibigan sa paghahanap ng kayamanan at haharapin nila ang malupit na tagapangalaga ng dungeon na si Jamil. 
 
Isa lamang ito sa maraming mga pakikipagsapalaran ni Aladdin!
 
Tunghayan pa ang kaniyang kuwento sa Magi, simula April 13, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Dragon Ball, dito lamang sa pinaka astig at nangungunang GMA Astig Authority!