advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Production staff noon, artista na ngayon

1 of 10

John Lapus

Bago pa man pasukin ang pag-aartista noong 2000s, nagsimula bilang researcher sa entertainment industry si John "Sweet" Lapus hanggang sa na-promote bilang head researcher.

Naranasan din ng komedyante na maging isang segment producer, talent coordinator, pictorial director, promo specialist, at creative associate producer ng isang showbiz oriented talk show.

2 of 10

Sweet

Nagtapos sa University of Santo Tomas si John Lapus sa kursong Hotel and Restaurant Management.

Ayon sa aktor, nakapasok siya bilang researcher sa showbiz dahil miyembro siya noon ng Teatro Tomasino, ang opisyal na 'university-wide theater guild' ng naturang unibersidad.

3 of 10

Actor

Itinuloy ni John Lapus ang pag-aartista dahil mas gusto niyang nakapagpapasaya ng maraming tao. Sa kasalukuyan, writer sa 'Daddy's Gurl' si Sweet kung saan ibinahagi nito na mas na-challenge at na-excite siya.

advertisement
4 of 10

Tuesday Vargas

Kilala si Tuesday Vargas sa husay nito sa pagpapatawa. Pero bago pa man pasukin ang pag-aartista, nagsimula muna ito sa likod ng kamera.

Nasa kolehiyo pa lamang, hilig na ni Tuesday ang pagsusulat kung saan kasali siya sa isang samahan sa teatro sa University of The Philippines. Dito rin nadiskubre ang talento niya sa pag-arte.

5 of 10

Film major

Isang working student si Tuesday noong nasa kolehiyo siya. Ayon sa aktres, naranasan niyang maging isang floor director, writer, production assistant, at nag-apprentice din sa pagdidirek dahil film ang major niya. Nasa isang banda rin si Tuesday kung saan kumakanta siya.

6 of 10

Actress

Nagsimula si Tuesday Vargas sa showbiz bilang isang artista noong 2006. Kasama rin siya sa GMA series na 'Lupin,' 'Magic Kamison,' 'Mga Mata ni Angelita,' 'Show Me Da Manny,' at Daddy's Gurl.

advertisement
7 of 10

Diego Llorico

Isa sa pinakakilalang komedyante ng 'Bubble Gang' si Diego Llorico. Pero bago pa man nakilala sa showbiz, nagsimula muna bilang isang production assistant sa gag show ang 'Atlit' star.

8 of 10

Bubble Gang

Bukod sa matagal nang komedyante ng 'Bubble Gang,' naging associate producer din ng Kapuso comedy show si Diego Llorico.

9 of 10

Jose Manalo

Bago maging isang sikat na host at artista si Jose Manalo, naging production assistant at floor director muna siya ng 'Eat Bulaga.'

advertisement
10 of 10

@walterjamesbayola

Simula 1994 nananatili sa 'Eat Bulaga' si Jose Manalo kasama ang kapwa niya komedyante na si Wally Bayola.