Showbiz News

Aiai Delas Alas, balik Kapuso na!

By MARAH RUIZ, interview by CHERRY SUN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Mala-reyna ang pagsalubong sa kontrobersiyal na Philippine Queen of Comedy na si Aiai Delas Alas nang pumasok siya sa GMA Network Center.

LOOK: 7 reasons why we love Aiai!

Matapos ang ilang buwan na mga ispekulasyon, pumirma na ng kontrata si Aiai sa Kapuso Network. Ito ang pagbabalik ng komedyana matapos ang 14 na taon.

"I have returned. Nandito na po ako ulit sa aking dating tahanan," pasimula nito sa press conference na ginanap matapos ang kanyang contract signing.

Inihambing ni Aiai ang GMA sa tunay niyang ina at ang kanyang previous home network sa kanya namang tita na nagpalaki sa kanya.

"Ngayon po, babalik na 'ko dito sa totoo kong bahay. Ang kaibahan lang po, kasi nung nakuha ko na 'yung nanay ko dati, may Alzheimers na po siya. Medyo nakalimutan na niya ko. Ang kaibahan lang po nito, ang GMA hindi ako kinalimutan," naluluhang pahayag ng komedyana.

LOOK: The royal homecoming of the Philippine Queen of Comedy 

Bakas ang saya sa mukha ni Aiai, na kahapon lang ay talagang excited para sa kanyang contract signing.

"TOMORROW IS THE BIG DAY—thank you GOD FOR ALL THE BLESSINGS... Tom will be awesome---#aishallreturn," sulat niya sa isa sa kanyang mga Instagram posts.

Ang isa sa mga unang project ni Aiai sa Kapuso Network ay ang upcoming soap na Let the Love Begin kung saan makakasama niya ang mga tween stars na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

Dumalo sa contract signing ang Chairman at CEO ng GMA Network na si Atty. Felipe Gozon para i-welcome si Aiai.

"Tayo'y nagagalak at nagbalik si Aiai sa kanyang pinanggalingan. Hindi ko nakakalimutan na dati naman Kapuso natin si Aiai. Medyo nagbakasyon lang siya at nagpunta sa ibang istasyon. Pero higit sa lahat, kaya ako natutuwa, hindi lamang magaling na comedienne si Aiai, magaling na artista at saka talagang professional," wika nito.

Dumalo din sa contract signing sina GMA President and Chief Operating Officer Gilberto Duavit, Senior Vice President for Entertainment Lilybeth Rasonable, Vice President for Drama Redgie Magno at ang anak ni Aiai na si Sancho, na isa na ding talent ng GMA Artist Center.