Showbiz News

Glaiza de Castro on her lesbian group immersion: 'Nakita ko talaga kung gaano sila katapang'

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
"Masaya pala silang kasama talaga. Medyo na-amaze lang ako sa kanila kasi first time ko makakita ng party na ganun. I thought magiging weird 'yung feeling ko pero na-amaze ako (laughs)."
 
Ito ang naging pahayag ni Glaiza de Castro nang kamustahin ng press ang naging experience niya sa pinuntahan nilang immersion para sa kanilang roles sa The Rich Man's Daughter.
 
Dagdag pa ng aktres, "Before the immersion, nagkaroon kami ng discussion. Lahat ng mga tanong ko about their lifestyle, ang emotional struggles nila, kung paano sila magmahal, sa relationships, lahat nasagot doon."
 
Dahil sa immersion na ito ay mas naintindihan niya ang mga miyembro ng LGBT community.
 
"Iba lang talaga ang lifestyle, iba lang din siguro ang perception nila about love kasi siyempre iba ang sexual preferences nila. Pero 'yung paniniwala nila, the way they love, the way they take care of their partners, ganun pa rin. Nakaka-amaze kasi ang ibang babae nakita ko talaga kung gaano sila katapang. Willing talaga silang makipag-away. Siyempre kahit pa sabihin natin na ganun sila, babae pa rin sila. Nandoon pa rin ang courage and will nila to fight for someone and for themselves."
 
Hindi rin niya ipinagkaila na malaki ang naitulong nito sa kanyang role na Althea, isang lipstick lesbian na ma-iin love sa kapwa babae.
 
"Kasi noong una, iniisip ko kung paano sila magsalita, more on outward questions, more on exterior. Pero noong nakausap ko sila, mas nakilala ko sila internally. Parang pumasok talaga ako sa buhay nila."