Showbiz News

'Wowowin' jacket, may kalakip na suwerte

By AEDRIANNE ACAR


 
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Lumikha ng ingay sa mundo ng Philippine television ang pagbabalik ng Kapuso game show host na si Willie Revillame via Wowowin na malapit nang mapanood sa GMA 7.
 
Sa katunayan, inaabangan na ng mga Kapuso televiewers kung ano-ano ang mga pasabog na gagawin ni Kuya Willie sa pilot episode ng kanyang weekly variety show. Lalo na ang mga papremyo na ipamimigay niya sa mga lucky studio contestants.
 
Sa interview ng GMA News reporter na si Aubrey Carampel sa direktor ng Wowowin na si Randy Santiago, ikinuwento ng singer-actor na babaha ng prizes sa show nila.
 
Ani Randy, “Siyempre alam naman natin na 'yung magic ni Willie nandoon at hindi nawawala. So if you're talking of ‘yung content noong show eh alam naman natin na si Willie talagang very generous namimigay ng limpak-limpak na papremyo sa lahat.”
 
“So 'yun ang inaasahan ng mga manonood natin. Siyempre palamuti na lang ginagawa namin to make him siyempre mas bata ang approach natin para sa show.”
 
Bigyan ng jacket segment
 
Isa sa mga nakakatuwang reinvention ng Wowowin ay nang naisipan nina Willie at staff na gawing regular segment ang ipinauso niya na pamimigay ng mga jacket sa mga studio audience ng kanyang show.

READ: Jackets na ipamimigay ni Willie Revillame sa ‘Wowowin’, handa na
 
Pero dagdag ni Randy, mas bongga ang gagawin nilang pamimigay ng jackets sa show dahil naglalakihang prizes ang maaaring maiuwi ng mga mabibigyan nito.

Saad niya, “Bigyan ng jacket 'yan. Eh alam naman natin 'di ba kataga nga ang lahat ng mga kung sino-sino, lahat ng mga nag-ho-host ginagawa na rin 'yan. ‘Yung bigyan ng jacket 'yan, bigyan ng cellphone 'yan, bigyan ng pera 'yan 'di ba? Lahat ginagawa 'yun. 

"Eh sa pagkakataong ito, siyempre 'yun ang gagawin natin. Kung ano ang laman ng jacket eh 'yun ang malalaman natin. May mga ganun na.”
 
Bukod pa riyan, nakakataba rin daw malaman na 100% pa rin ang suporta ng mga fans kay Willie. 
 
“Lahat ng sumusuporta kay Willie, sa lahat ng panahon, mula pa noong dati siyempre nandoon pa rin at intact silang lahat.”