Showbiz News

Mikael Daez, tinawag na bakla ni Roi Vinzon?

By AEDRIANNE ACAR

 
Going strong ang weekend family sitcom ng Kapuso network na Ismol Family at habang papalapit ang one year anniversary ng show sa June tiyak na mas higit na magiging kapana-panabik ang bawat episode nito tuwing Linggo ng gabi.
 
Para sa lead star ng Ismol Family na si Mikael Daez na gumaganap bilang beki-friend ni Ryan Agoncillo, aminado ito na sobrang komportable na raw siyang i-play ang karakter niya na si Bernie.
 
Ani Mikael, “Oo! At nag-de-develop na talaga ‘yung character kong bading na bading na.”
 
Malaking bagay rin daw na ang mga tulad nilang cast sa Ismol ay nakapagbibigay ng sarili nilang inputs para higit na mapaganda ang mga kinukunan nilang eksena. 
 
Dagdag ng Kapuso hunk and comedian, very open daw ang kanilang director na si Dominic Zapata sa kanilang mga ideas.
 
Saad ng Kapuso actor, “Kunwari may naisip kami habang nag-re-rehearse babato lang namin tapos si Direk Dom [Dominic Zapata] siya na ‘yung bahala mag-filter. ‘Ay oh sige, 'yan pero medyo ibahin mo ng konti or si Direk Dom eto try mo ‘to, gawin mo ‘to. May sharing of ideas rin.”
 
Working with Roi Vinzon 
 
Isa rin daw sa mga most memorable guest stars para kay Mikael ay ang batikang actor na si Roi Vinzon.
 
Humagalpak daw sila sa katatawa dahil effective comedian ang tinaguriang barako at siga ng Philippine showbiz. 
 
Aniya, “Tawang-tawa kami. Right [after] nung pag-cut na pag-cut, tawang-tawa kami. Pero sinabi ko kay Kuya Roi [Vinzon]. Siyempre parang dinamdam ko talaga 'yung eksena. [Sabi ko] Ang sakit pala na matawag na bakla ng tatay mo noh [giggles]”
 
WATCH: Check out the funny scene of Mikael Daez and Roi Vinzon in ‘Ismol Family’