Showbiz News

Chynna Ortaleza, may mensahe sa kanyang admirers

By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

"Pare sorry, lalaki ako nowadays eh. Kung nauna siguro ang bulaklak mo dati noong babae pa ako, baka magka-chance. Hahaha!"
 
Ito ang pabirong mensahe ni Chynna Ortaleza sa lalaking nagpadala ng bulaklak sa kanya kamakailan, na napabalitang si Yagit star Renz Fernandez.
 
LOOK: Chynna's 9 "handsome" looks 
 
Dagdag pa niya, "Dude, ingat ingat lang. Hindi mo alam pinapasok mo (laughs)."
 
On a more serious note, Chynna admits that they are good friends.
 
"Magkakilala na kami ni Renz from workshop. Steady naman, good friends naman kami. Noong dumating 'yun [flowers] sa bahay, galing pa akong pre-prod kasi may ginagawa akong music video. Tapos nakita ko 'Ay may pabulaklak!' Hindi ako sanay. Sorry, hindi ako binibigyan ng bulaklak eh. Pero na-experience ko, at psychedelic pa 'yung bulaklak."
 
As far as her lesbian role in The Rich Man's Daughter is concerned, hindi naman nababahala si Chynna na madala siya sa kanyang character na si Batchi.
 
"Honestly sa pamilya namin, mayroon kaming lesbians in the family so hindi siya bago sa akin. Although lipstick lesbians ang mga cousins ko. Masaya ako na ito ang binigay sa akin, ibang experience."
 
Nang tanungin ang Kapuso actress kung open na ba siyang maging in a relationship muli, ito ang kanyang naging sagot.
 
"Open naman ako. [Kasi noong] natapos ang 10-year relationship ko, ang gusto ko talaga is maging free. Kumbaga parang free to do anything that I want to do, and have friends, and also sa craft ko, magawa lahat ng puwede. Kasi dati siyempre, ina-admit ko naman na may consideration lagi doon sa kasama ko na ano kaya ang mararamdaman niya. Ngayon ang saya lang kasi lahat nagagawa ko, lahat napupuntahan ko. Kaya si ate, matagal pa yatang magiging single."