Showbiz News

Dingdong Dantes, hindi kayang iwan si Marian Rivera kahit sandali

By CHERRY SUN
 
Panandaliang iiwan ni Dingdong Dantes ang kanyang maybahay na si Marian Rivera para dumalo sa ASEAN summit.
 
 
Sa Lunes ng umaga ay Malaysia-bound ang Kapuso Primetime King ngunit kinagabihan ay uuwi rin siya sa bansa. Ayon sa kanya ay hindi raw niya kayang iwan si Marian na nasa unang trimester ng pagbubuntis.
 
“She’s doing okay. Normal naman ang pinagdadaanan niya kagaya ng lahat ng mga buntis ng ganung klaseng stage, ‘di ba, but we make sure na parating komportable siya,” pahayag niya sa 24 Oras.
 
“Masaya, masaya dahil lahat ng mga sinasabi sa aming expected na mangyari ay nangyayari sa kanya,” dugtong niya.
 
READ: Marian Rivera, pinaglilihian si Dingdong Dantes
 
Naglilihi na ngayon ang Kapuso Primetime Queen at nais daw na laging nakikita si Dingdong.
 
“Kung ‘yun ang tawag doon, pero basta I just make sure na I’m always there for her,” sambit ng Pari ‘Koy star.
 
Tuloy-tuloy pa rin ang taping ni Dingdong sa Kapuso faith-serye. Dagdag pa niya, tila isang pamilya raw sila ng kanyang mga co-stars.
 
Aniya, “Ang saya lang na nasa trabaho ka at kasama mo ‘yung mga talagang matatalik mong kaibigan, at nagkakaroon ka ng mga panibagong kaibigan, lalo na si David.”
 
READ: Dingdong Dantes at child star David Remo, close sa isa’t-isa on at off cam 
 
“Ako talagang pagkatapos nito, magkaka-separation anxiety siguro ako sa kanya,” pag-amin niya.