Showbiz News

Lotlot de Leon lauds Kiko and Jake's performance in 'Magpakailanman'

By MICHELLE CALIGAN
 
"Nice working with you mga Anak @imjhakevargas and @kiko_estrada"
 
Ito ang bahagi ng caption ni Lotlot de Leon sa kanyang Instagram post about her upcoming Magpakailanman episode titled "Kapatid sa Ina." Kasama ng batikang aktres ang dalawang young Kapuso actors na sina Jake Vargas at Kiko Estrada.
 
 
READ: Magpakailanman presents 'Kapatid sa Ina'
 
Iikot ang kuwento sa buhay nina Mila (Lotlot), Alvin (Jake) at Jason (Kiko), at kung paano sila pinagtagpo ng tadhana para mabuo ang minsa'y nawasak na pamilya. Ito ay sa direksyon ni Albert Langitan at mapapanood ngayong Sabado, April 26, pagkatapos ng Pepito Manaloto.