Showbiz News

Aiai, tumanaw ng utang na loob kay Boy Abunda

By MARAH RUIZ
 
Sumabak ang balik Kapuso na si Aiai delas Alas sa game na inihanda sa kanya ng Startalk. Sa laro, babanggitin ng hosts na sina Lolit Solis at Joey de Leon ang pangalan ng ilang personalidad at dapat sabihin ni Aiai kung "AI love it," AI hate it," o "AI don't care."
 
Ang unang pangalan ay kay Boy Abunda at walang pag-aalinlangan naman itong sinagot ni Aiai.
 
"I love that man, mahal na mahal ko yang si Boy Abunda," sagot niya.
 
"Mahal na mahal ko 'yan kasi ama ko 'yan. At saka, never akong pinabayaan niyan. Until ngayon, inaalagaan pa din niya 'ko," paliwanang nito. 

READ: Aiai, balik Kapuso na


Minarapat naman ng GMANetwork.com na habulin ang Philippine Comedy Queen matapos ang kanyang segment sa Startalk para tanungin: anong klaseng pag-aaruga ang naibigay sa kanya ni Boy Abunda?
 
"Si Boy Abunda ang nag-ayos ng lahat lahat," bahagi ni Aiai na tinutukoy ang kanyang pagbalik sa GMA Network matapos ang maraming taon sa ibang istasyon. 
 
Nagpaunlak naman siya ng isang maikling panayam habang nasa make-up room at tinatanggal ang kanyang magarang Rocky Gathercole outfit na punung-puno ng makukulay na feathers. 
 
Bukod sa kanyang upcoming teleserye na Let the Love Begin, marami pa daw dapat abangang mga project niya.
 
READ: Aiai wishes son Sancho good luck on his first taping day

Makakatrabaho din niya ang kanyang anak na si Sancho sa isang episode ng Magpakailanman.
 
"Mag-ina kami doon. Mahirap kami na iniwan kami ng tatay niya, parang ganun. True to life! Pero hindi ko buhay yun, kahawig lang," biro nito.