Showbiz News

Kristoffer Martin, kinikilig pa rin sa kissing scenes nila ng ex-GF na si Joyce Ching

By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Lagpas isang taon na ang nakalilipas nang maghiwalay ang Kapuso teen stars na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching. Pero ayon sa dalawa, kahit na nag-break sila ay hindi pa rin daw nawala ang kanilang friendship.
 
Kaya raw nang alukin silang dalawa sa bagong project na Healing Hearts, hindi raw sila nagdalawang-isip na tanggapin ito.

"Actually po noong hindi pa talaga siya officially announced, noong naririnig-rinig pa lang namin, nag-uusap na kami na sana [ay] matuloy. Excited talaga kami pareho," ani Joyce.
 
"Ako okay ako agad kasi ang tagal ko ring hinintay 'yun eh," pahayag ni Kristoffer.
 
Hindi ito ang unang beses na nagkasama sa trabaho sina Kristoffer at Joyce after breakup dahil tinanggap din nila noon ang Paraiso Ko'y Ikaw.
 
Pero ayon sa dalawa, ang dapat abangan sa Afternoon Prime soap ay ang kissing scenes nila.
 
"Hindi namin alam [na may kissing scenes]. Nagugulat na lang kami sa script eh," saad ni Kristoffer.
 
Kuwento pa niya, hindi raw sila nagre-rehearse ni Joyce bago ang kissing scene shots. Awkward daw kasi 'yung feeling kapag ganoon at mas okay na nagpapakiramdaman na lang sila during take.
 
Nang tinanong si Kristoffer kung kinilig ba siya sa kissing scenes nila ni Joyce, agad naman niyang inamin ito. "Ako, kinilig," sagot niya.