Showbiz News

Magpakailanman presents “Sa Ngalan ng Pagmamahal”



Ngayong Sabado sa Magpakailanman, masusubok ang pagmamahal ng isang mister sa kaniyang pagtuklas na hindi lang siya ang lalaki sa buhay ng kaniyang misis!
 
Si Alex ay isang pedicab driver na for the longest time ay kilala lang sa pagiging pilay— bagay na naging dahilan para mawala ang kaniyang kumpiyansa sa sarili. Pero nang makilala niya si Rona, nagbago ang pananaw ni Alex sa sarili. Sa wakas ay nakahanap rin siya ng babaeng tanggap siya for who he is.
 
Pero nang matuklasan nilang dalawa na baog si Alex, magbabago ang pagsasama nila.
 
Parehong gusto nina Alex at Rona na bumuo ng pamilya, at ang realization na hindi sila puwede magkaanak ang magtutulak sa huli na maghanap ng bagong pagkakaabalahan. Makakahanap ng trabaho si Rona, at mawawalan ng oras para kay Alex.
 
Ang hindi alam ni Alex ay hindi na lang trabaho ang dahilan kung bakit lagi niyang hindi nakikita ang asawa.
May sikreto si Rona; isang sikretong sisira sa kanilang pagsasama...
 
Buntis ang asawa ni Alex!
 
Pero paano nangyari ‘yun kung baog si Alex at hindi na sila nagkakasama ni Rona?
 
Paano haharapin ni Alex ang panloloko ng asawa, at magagawa ba niyang tanggapin muli ang babae sa buhay niya?
 
Itinatampok sa episode na ito ang comeback ng isa sa pinaka-well-loved kontrabidas ng Pinoy teledramas na si Princess Punzalan, at ang kauna-unahang pagtatambal nina Martin del Rosario at Vaness del Moral!
 
Kasama rin sa “Sa Ngalan Ng Pagmamahal” sina Rap Fernandez, Prince Justin Navarro, Elle Ramirez, Chinggay Riego, Jr Verano, at Rich Asuncion; sa ilalim ng direksyon ni Neal Felix del Rosario, at panulat ni Michiko Yamamoto, mula sa research ni Stanley Pabilona.
 
Magpakailanman airs this Saturday, May 2, pagkatapos ng Pepito Manaloto.