Showbiz News

Julie Anne on her bikini selfie: 'If you have it, you flaunt it'

By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Dahil usap usapan sa social media ang bikini photo ni Julie Anne San Jose, marami ang nagtatanong kung ano ang maisasagot ng Asia's Pop Sweetheart sa mga Instagram comments mula sa photo ng kanyang trending na bikini body.
 
LOOK: Julie Anne San Jose is our newest fitspiration
 
Ayon kay Julie, marami siyang comments na nakuha mula sa specific na photo na kanyang pinost sa kanyang Instagram at ilan sa mga ito ay tumatak umano sa kanya.
 
 
"Ang dami. Parang 'Woah! Julie ikaw ba 'yan?' Marami pa e. Nakakapanibago daw kasi siguro first time nila ako nakita na ganoon, I guess. Kasi you see girls na naka-bikini 'di ba? Siguro panibago sa paningin nila kasi nga nag-lose ako ng weight tapos 'yun mas naging toned [ang body ko]. Kaya it's all workout."
 
Kuwento ni Julie marami rin umano siyang negative comments na natanggap sa photo niya. Aniya, "Siguro 'yung pinaka-negative, 'yung Julie masyado kang payat, pataba ka ng kaunti 'di kami sanay. 'Yun lang naman."
 
Dagdag ni Julie, "Meron pang iba, edited 'yan noh?"
 
Kahit ilang negative comments pa umano ang ibinato sa Kapuso star, mas mabuti na lang umanong huwag siyang sumagot sa mga ito. "Hindi ko naman sinagot, sige hayaan niyo na kasi opinion nila 'yan eh. Basta ako talaga pinaghirapan ko 'tong katawan ko. Siyempre celebrity, hahanap at hahanap sila ng butas sa 'yo. You really can't please everyone. You just have to be yourself," pahayag ni Julie.
 
"Basta ako nag-post lang ako, alangan naman mag-pajama ako sa beach 'di ba? If you have it, you flaunt it. You show it," pagtatapos ng Kapuso star.

WATCH: Fun in the sun with Julie Anne